Akala ko Pag-ibig ay magtatagal
Akala ko Tayo ay magiging masaya
Akala ko Ito'y hanggang sa huli
Akala ko Wala ng Katapusan
Ilang beses ako'y iyong nasaktan
Binalewala nagtiis sa lahat
Sakit kinimkim syo ng matagal
Sa hangad na ika'y sa akin lamang
Kay hirap pala
Nang pusong umaasa
Pag-ibig na dapat
Sa aki'y ipadama
Hanggang kelan pa ba
Ako ay magtitiis
Sa isang katulad mo
May pusong salawahan
Sa aking pagmulat
Isang umagang kay ganda
Damdamin kinapa
Ngiti ay sumilay
Ang sakit sa puso
Unti ng nawala
Gaan ng pakiramdam
Kay sarap makamtan
Akala ko di na matatapos
Akala ko di makakaya
Akala ko wala ng pag-asa
Akala ko ay Akala ko lamang